Sunday, July 27, 2008 1:21 AM
SUPER OMG
BREAKING NEWS! May lalaki sa loob ng bahay namin. Hindi namin kilala, sobrang hinding hindi namin kilala. Si Mama may highblood pa man din sobrang nagulat ako nung sumigaw si Mama na i-lock ung pinto syempre panic naman kami. Si Mama sumigaw sa labas para sa help buti na lang nandun si Mang Rick and Tisoy! Dalawang dambuhala pa man din un. Nandun siya sa Maid's Room. Nakakagulat lang ung mga pangyayari. Pumasok si Mama dun para ilagay ung dirty clothes tapos nakita niya na may paa ng lalaki. Aun na ung nangyari. And Guess what! Boyfriend ni Ate Abby na magaling naming katulong ung lalaki. wtf. Grabe talaga tapos ung lalaki nandun na ngayon sa baranggay hall tapos ung katulong namin hindi pa umuuwi kasama ung tatay niya na nasa Kabihasnan somewhere. Ewan ko kung anong oras pa un uuwi. Grabe ang dami ng tao sa labas puro mga friendly neighbors! haha. Tapos dumating din ung mga tanod ng baranggay tapos hinuli na siya! Ang galing kasi meron pala silang posas! haha. Tapos si Duduy dumating. haha. Ang dami niyang tinatanong dun sa lalaki tapos ung Mang Rick daw nakikita daw minsan si Ate Abby na may dala na mga plastic sabi ni Mama kaya siguro nawawala ung mga things namin. Jusko, kahit isang night dapat hindi na siya magstay dito. Ok lang kahit gumawa ako ng chores basta ok kami. huhuh. Nakaka-shock lang kasi ung mga pangyayari ee. Sabi na nga ba hindi makakapagkatiwalaan si Ate Abby. ee three weeks ago pa man din lagi kami pumupunta ng Makati lagi siya lang naiiwan. Suss ewan ko na kung anong nangyayari. Tapos ung isang maid alam naman pala na may lalaki dito hindi sinabi. Siguro sinabi ni Ate Abby sa kanya na wag siyang maingay. Kagabi daw niya pinapasok ung lalaki ng madaling araw kaya pala ayaw niya ibigay ung keys ng bahay kay Mama lagi niya sinasabi na ako na lang ganun. ee bakit wala naman akong narinig, wala kaming narinig. ee laging nila-lock ung pinto ng rooms tapos nung night na un narinig ko may nag cr then parang gustong buksan ung pinto. Naman, nakakatakot. Lagi pa man din kami tatlo lang dito sa bahay. huhu. Hanggang sa mag gabi nandun pa rin sila Ate Abby sa Baranggay Hall. Ung boyfriend niya kinulong daw muna. haha. Nung last na pag punta nila Mama dun sinama na din kami kasi ung parang pinaka head dun kinuha ung cellphone ni Ate Abby and bf niya ee nagsumbong sa amin si Ate Abby tapos nalaman nung head na sinabi sa amin, nagalit ba naman kasi daw nagsumbong sila. Sabi ni Ate Abby sabi nila na dapat pagumalis daw may bayad or may ibibigay. Ano ba yan! haha. Grabe pati ba naman sila ganyan na rin kaya hindi talaga mapapagkatiwalaan na talaga ung mga police dito sa Pinas ee. tsk3. Walang kwentang mga tanod! haha. Takot kasi si Ate Abby sa tatay niya kaya pini-please niya si Mama na wag sabihin sa kanya ee sinama pala nung Tita niya kaya un lagot siya. Uhmm, wala naman talagang intention daw sila na magnakaw or something, ang mali lang ni Ate ung pinapatulog niya ung lalaki ng hindi namin alam tapos every weekend pala un ee nakaka 4 months na siya dito. Amp. Pero nung pag dating namin dun unang tinanong ni Ate si Garfield, toink. haha. Tapos ako naman nung huli nung nag ba-bye na medyo naluha ako kasi naman nakakaawa si Ate Abby sa totoo lang, nakakaawa sa tatay niya kasi daw sasaktan daw siya. Kaya un.. pero hindi naman sila nakulong na ee. Mukhang hindi kasi mabait ung lalaki! haha. Buti na lang hindi inatake si Mama sa heart! Lapit na 50th birthday ni Mama. woot. Mag serendra daw kami! haha. Oii, first time ko dun! toink na naman ako! So ngayon nag sa-suffer ako dahil wala kaming katulong, amp naman ee. Hindi ako mabubuhay ng walang katulong, isa pa kasi to si Mama utos dito utos dun. Napapagod na ako pero bukas ata babalik ung isang naging katulong namin na uwian din, baet siya mas gusto ko siya kasi malinis! haha. Naghahanap na ng katulong ngayon, sino gusto mag apply!?! haha. Sabi ni Mama malas daw talaga ung mga cellphone na yan kasi diba mahilig sila sa mga textmate kaya yan ang nangyayari ee. Mas ok pa ung tatanga tanga kaysa may utak! haha. Sabi ni Mama "Lecheng Sun yan" haha. ee kasi diba 24/7 daw un pang pooorita, pang longkatooots! OMG! 2 months na palang pregnant ung maid namin! haha. Goodluck na lang sa kanya!