Monday, June 30, 2008 7:24 AM
haha. Ang super late ko mag update ng blog. Tinatamad kasi ako. Speaking of tinatamad. 3 days ko din ito pinagisipan tapos humingi pa ako ng advice kay Ate Erika. Wow Erika, haha. Si Ate ko un. Ang dami niyang pangalan Hani, Erika and Hannah Faye Angela. haha. Anyway, back to my story. Naisip ko na magstop na sa homestudy ko kahit na super gusto ko magaral kapag nandito ka talaga sa bahay na nagaaral super tatamarin ka sabay self study. Hindi ko kaya yan noh. Nahihirapan na ako pero hindi pa ako nagsstart sa totoo lang. Ang napapagaralan ko pa lang ee ung home economics ko. haha. Super tinatamad talaga ako kaya i'll stick to my Japanese Lesson na lang. Grabe parang minamadali na ung papers ko. Si Mama pupunta ng NSO bukas para sa late registration ko ng birth certificate. Ang dami daming requirements. argh. Tsaka napapagod din ako and I think kailangan ng rest ng utak ko. haha. Si Ate ayaw niya talaga. Nung tinanong ko sa kanya sabi niya "BAHALA KA" aww, ayaw ko naman magstop pero tinatamad talaga ako and gusto ko ng classmates. Gusto ko maging masaya :)) Si Mama naman OO agad. haha. Ewan ko ba. Hindi naman sa ayaw niya ako magaral pero lagi niya kasi iniisip na walang use ang studies ko dito doon. Kaya un, si Ate nga daw gusto na rin mag give up sa studies niya pero sayang naman, last year niya na ito ee. Pero medyo pinagiisipan ko pa... Haii, super sakit na ng ulo ko sa kakaisip tapos gastos pa ng gastos.
Ang yaman ng katulong namin. First gift niya kay Mama wallet na 250pesos tapos she's planning to buy some clothes from Forever 21 for Mama. haha. Asenso. 50th birthday na kasi ni Mama sa August and she's planning na mag swimming sa Marikina. Ang layo naman. Ewan ko lang kung matutuloy un. Tapos for my birthday, ang dami kong gusto na ipabili. Puro gadgets nga lang. Ayaw ko mag celebrate sayang sa money. haha. Mas gusto ko ang gifts ee kaya nga masyado akong materialistic. Ay and ewan ko hindi na mababago sa akin un. Pero I love tiangge. haha. And ipanema. Bago na yan, ayaw ko na ng havaianas ipanema na gusto ko!
Reunion. Last friday nag meet kami nila Carla and Sharmaine sa SM then ate sa Sbarro after punta ng Starbucks nagkwentuhan. Ang daming bago. Bagong teachers na weird? Miss Pauline ata un. Ayaw niya ng starbucks kasi coffee lang naman daw ang mahal pa. SUS. Hindi niya lang afford un and same to other people na thinking na expensive ang starbucks. I love starbucks, bakit ba? :P Out of stock or Unavailable ang Dulce de Leche sa Starbucks? Wag naman mawala un, un lang favorite ko dun ee. Tapos si Josh regalo for monthsary or anniversary ee havaianas kay Joana? HAHA.
ako na lang girlfriend mo, pwede? haha. Nakakagulat un huh! Wala lang, napaka generous naman ni Josh and hmm, maswerte si Joana. Next, I saw ung new student ng 4th year. OMG, ang pangit. boohoo. Napapangitan ako, okay lang, hindi naman siya gwapo ee. Easy to get ba si Mia ung 2nd year? Nahulog agad? Ay, tapos ang tahimik ko daw. Nafeel ko rin un. Parang medyo nagiba kasi. Konti lang naman. Namiss ko ung taco bell namin. haha. Parang eat all you can ginagawa namin dun. Namimiss ko na din ung bahay nila Carla. haha. Si brownie/barney? Tapos after starbucks umikot sa SM at nagkwentuhan. Pumunta ng storyland tapos nakita si Josh then nag bump car. haha. Nakakatuwa. After nag kakigoori. Wow, ang sarap ng kakigoori sa SM huh! I love it. Tapos umuwi na. Tapos we're planning to eat sa Brothers Burger sa West Gate daw un. Un pala tawag sa may Alabang. haha. Hindi ko alam un, akala ko Alabang lang tawag dun. Kakain na nga lang kami sa walang mga sasakyan pa. Magta-taxi daw kami. Wow. haha. Sus, mura lang naman un basta di-meter dapat. haha. Then gusto din namin pumunta ng Enchanted Kingdom, iniisip pa namin kung pano pumunta dun pero pinagiipunan na namin un. Sino gusto sumama? Magbayad kayo para sa sarili niyo :P Free lang naman sumama basta bahala ka na sa sarili mo. hehe. Haii, pag nandito ako sa bahay super namimiss ko sila pati lahat ng taga-dccs pero pagkasama ko sila, masaya ako pero parang may kulang. haha. Tapos nag eexpect pa man din ako na makakita ng ibang mga taga-dccs tapos wala din. Anyway, I love them both. Un lang naman ung mahalaga ee and I'm happy when we're together :D
Parang nung last entry ko ee tungkol lang sa pagkuha ko ng assignments ko sa homestudy ko sabay ngayon nag give up na ako? haha. Ang good girl ko naman! haha. Ay naku, bahala na ako! haha.
Wednesday, June 25, 2008 7:58 AM
Friends. Gusto ko magkaroon ng bestfriend na super tagal na kami na friends like 20 years, ganun. ung mula childhood pa lang. Meron akong ganun na friend, si Paola!! Hindi naman kami cousins pero we treat each other as cousins, like sisters na nga ee. 10 years na kami friends ni Paola. Sinabi ko na ito ee sa entry ko about sa friendship namin ni Paola. Anyway, then other choice ko is Sharmaine Dollentas :)) Wala lang, I love her :D Lagi naman kasi kami ung nag cha-chat, wala naman akong ibang Cavinian na nakakausap ngayon ee. Hmm, ay naku kung alam niyo lang pinaguusapan namin ni Maine nung una pa lang na aalis na ako ng school parang paluha na nga ako nun tapos umiiyak na daw siya. Hahaha. Tuwang-tuwa lang ako sa kanya and I think I can trust her kaya siguro ganun. We share a lot of stories about our lives. Ung secrets ko na hindi ko sinasabi sa iba nasabi ko na sa kanya (kaya nga secret!) tapos siya din ung secrets niya. Haha. Meron talaga ako na secret niya na super duper natutuwa ako. LOL! Pero ang cute ng secret na un! Super duper cute, kinikilig nga ako ee. Oooops :P Then sa saturday baka magkita kami nila Maine and Carla at SM. Sino gusto sumama? After daw ng CAT nila. Grabe reunion ito! Months din un noh! Hahaha.
And I think perfect si Maine as a bestfriend :D haii, wish ko lang maglast ung friendship namin. Kahit 3 years lang or mas matagal pa. Haha. Nagkakasundo kami sa ibang bagay, ay basta. Gusto ko din makilala ung ibang people :)) like Sakura, interesting kasi siya. Parang ang daming stories sa buhay. Uhmm, minsan talaga namimili ako ng magiging friend ko. And kung mahahalata niyo every year nagiging iba ung close friend ko tapos natatapon na lang ung old :(( Hindi ko naman gusto un like sa school ngayong schoolyear close kami then next schoolyear magkaiba ung section namin kaya nagiging close na ako sa iba and nakakalimutan ko na sila. Hindi naman as in nakakalimutan ee. Still friends ko pa rin sila and I will never ever forget na naging part sila ng life ko :D
* HAHA. sira telephone namin tapos wala akong cellphone, pano yan? argh, hiramin ko nga phone ni Mama na isa. naman kasi na PLDT yan ee, pasaway. ayaw pa ayusin ung phone namin ang tagal na, a week na. haha. hindi ko pa alam kung matutuloy kami ni Maine.
Family. Si Mama hindi ko alam kung magkakasundo pa kami. Like everyday na lang kami nagaaway, nakakapagod na. Kapag hindi naman ako sasagot, magmamagaling un. Kaya I think mas maganda na ung sumagot ako. haha. Kaya mas nagiging malaki ung problem. Hmm, kahit naman kayo ung nasa place ko mapapagod din kayo sa pagintindi. Im super duper tired of understanding people and forgiving them. Lagi na lang. Tapos masyadong nagmamarunong ee mali naman siya lagi tapos sasabihan niya pa ako na wala naman akong alam. DUH! haha. Jusko naman, di hamak na MAS madami akong alam! haha. TRUE YAN! ee ang argh niya, super yabang niya kaya pati sa ibang people. haha. And one more thing, alam niyo na ba ung SABA STORY ni Mama? haha. Ay naku, dati kahit kanino kinukwento niya kung pano siya pumayat and everything. Ewan ko kung hanggang ngayon. haha. Grabe kasi, wala na akong ibang naririnig kundi saba! Natatawa na lang kami ni Ate. haha. Tapos si Ate parang iba. Hmm, laging naiinis na laging wala sa mood tapos lagi na lang nagagalit. Well, sanay na ako sa ugali niya. haha. Tapos ako diba alam niyo naman na pag naiinis ako iiyak na lang ako. haha. Kaya minsan I ended up crying. Nakakainis! :D
Homestudy. Last thursday we went to my school. Super kapagod, akyat baba. I was able to get 7 subjects. Ung 3 hindi ko nakuha. Late na daw kasi sabi ng teacher, sa time. Hanggang 12 lang kasi ung teachers ee 12 na kami dumating, ang traffic kasi sabay 10 kami umalis ng bahay! haha. Kumusta naman un, filipino time na naman. Si Mama kasi nagpapirma pa dun sa Attorney tapos hindi naman dumating, na-late tuloy kami. Pero at least madami din ako nakuha na subjects, hindi rin sayang ung pinaghirapan ko. So ngayon nahihirapan na ako. haha. Wala pa nga akong sinisimulan na subject ee, tinatamad pa ako. Grabe, parang ang hirap ng trigonometry! haha. Sa pagscan ko pa lang ng book ko JUSKO! haha. Ewan ko kung maiintindihan ko un. So I decided na ung math ko na lang ung kukuhaan ko ng gagawa ng assignment ko dun! haha. 300 lang naman pay sa kanya ee. hehe. Tsaka sabi ni Mama bilisan ko daw magaral. Maybe by December tapos na ako. SANA! sana ee sipagin din ako! hehe. Grabe ang dami ko pang pagaaralan. Tapos napapaisip ako sa offer ni Mama about sa studies ko. argh. Hihingi muna ako ng advice ni Ate and I am sure na magagalit si Mama kasi sasabihin niya na sinayang mo ang money! haha. Ewan, I'll think of it pa. Alam niyo ba lagi na lang masakit ulo ko sa kakaisip! haha. Hindi kasi ako makuntento. ARGH!
YIPEE. Inaayos na ung passport ko! wooot! Haii salamat! Yay, excited na ako :D
I know, I know. Magagalit ka na naman. Hindi ko na alam gagawin ko sayo ee. I don't even care :P
Tuesday, June 24, 2008 7:15 AM
naiinis ako :D haha. super duper hate ko ang kuto. argh. wala PA naman ako nun. haha. parang nafi-feel ko lang kasi naiinis ako. haha. sabay sa tyra show un pa ung topic. after tyra, gossip girl na. hindi ko natapos ung episode ngayon biglang nawalan ng cable. naman eee. hindi naman kasalanan ni Serena na namatay ung guy ee. hmmm, wild pala si Serena dati. haha. tapos naisip ko na gusto ko na maging provider ng video sa youtube ng gossipgirl. haha. tapos ayaw ako ma-signup sa youtube, hell. next time na nga lang. katamad na rin ee. tapos si Ate Maid ko sinuot niya kanina ung headband ko. haha. i know, sus headband lang un. pero kasi were not the same. super duper layo para maging similar noh! kainis, nanggagamit ng hindi naman sa kanya. argh. ok sana kung pinsan ko siya ee. haii naku, naiinis na naman ako sa kanya. ano ba yan.
i had my haircut done. may naiirita na naman ako na bangs. haha. bakit kasi ako nagpapabangs ee. ee ang simple ng hairstyle ko ee. then sabi ng maid namin "bakit hindi nag-fafly away ung hair mo?" haha. duh, as if naman. kahit kelan hindi mapangit buhok ko pero nakakatamad magsuklay. haha. then nakita daw ako ni Cabase. ee nung Sunday ako nagpa-haircut dun din niya ako nakita. anyway, whatever for him. teka, nagcha-chat kasi kami ni Sharmaine every night. tapos sa Saturday baka magkita kami. weee. sama kayo? sa SM lang naman kami ee. sa susunod pa ung ibang places. haha. wala pa kaming money! waaahh, i can't wait for next month. ang tagal ng money ko. argh. na-budget ko na pa man din ung mga bibilhin ko. haha. alam niyo ang ganda ng mga shoes sa So Fab! haha. dun ako bibili ng shoes. weee. 700 lang naman eee. wala kasi ako makitang magandang shoes sa Greenhills. kainis, minsan wala pang size. argh.
sa everyday life ko wala naman new ee. puro lang mga blah blahs ko. walang sense. haha. sabay ung ibang entries ko ang haba pa. paulit-ulit lang naman mga kwento ko! haha. anyway, medyo marunong na ako mag salita ng japanese and nakakaintindi na ako and nakakabasa. medyo hindi ko pa memorize ung katakana at swear ang hirap ng kanji noh! lech, ang daming strokes and lines.
Junkshop. Ung isa ko na classmate, business nila ito. Ang galing kaya. Hmm, sa lahat ng business diba may tubo sa kanila wala. haha. Like ako magbebenta ako sa kanila then bibigyan nila ako ng money then at the end of the month kukunin un ng truck then babayaran sila. So ang aim lang nun is makatulong sa ibang poor. Diba? Ang galing. haha. Wala lang, hindi ko naman alam na ganun un ee tapos akala ko pa na parang ung junkshop ung nagre-recycle ng mga things na binebenta sa kanila. haha.
Si Mama may nakilala na babae na nagpunta ng Japan. She married a Japanese Guy with another name. Hmm, iba ba ung name niya. Ang ginamit niya daw ee ung name ng patay na. aww rip. Then nung nagpakasal un pa rin ung ginamit. They had a 3 children at ngayon nasa DSWD daw kasi iba nga name niya. Nade-dect daw. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nasa DSWD ung mga anak niya ee. haha. Hmm, I think hindi lahat ng pumupunta ng Japan ee ung bagay na naiisip niyo. Hmm, like my mom decent naman work niya dun ee. Its not my fault na Japanese ang father ko. And I'm proud na si Papa ang Dad ko. I love him and maswerte ako sa kanya and sa grandma ko.
Friday, June 20, 2008 10:01 PM
last thursday went to Greenhills again parang last week lang nandun kami. haha. malapit lang naman kasi sa Makati un kaya madali na lang na pumunta dun with Ate and Kuya. diba nabenta ko na ung phone ko for 10,500 haha. super laki ng nawala. ewan ko kung lagot ako sa Lola ko nito. so I bought my old phone ng 21k then na-sold ng 10k haha. ang laki ng nabawas diba? grabe tapos un na lang na offer ung kinuha namin kasi wala ng iba na mas malaki. ay ung utang ko na 6k bayad ko na agad! weee. grabe ang gastos ko pala. haha. ewan ko ba pero mas masaya ako ngayon na hindi na ako sa School talaga nagaaral kasi I can buy whatever I want. hehe. ang dami ko ng money sabay ung Lola ko pinapadalhan na ako every month ng 1,500. haha. wala lang natuwa lang ako sa kanya. ewan ko ba kung bakit niya ako binibigyan ng money. ee laging ung money ko lang kay Papa or sa Lola kong isa. ayon, tagal na namin hindi naguusap ni Papa buti nga hindi ko pa nakakalimutan ung itsura niya. haha. haii gusto ko na pumunta ng Japan. ang tagal naman kasi. sa totoo lang madami ang kwento ng life ko pero wag muna ngayon. haha. back to Greenhills, dapat bibili kami ng new phone ko ee ang budget ko lang is 6k meron kami nakita dun na maganda. ee gusto ko sony ericsson. tapos dala lang namin na cash is 9k ee may nakita kami na violet na sony. haha. super na-love ko siya. kaya we ended up not buying it. magiipon muna daw ako pero nagiisip pa ako! haha. nag shopping na lang kami dun. lagi na lang ako nasa mall. minsan nakakapagod maglakad pero wala lang. masaya naman ako ee. kelan kaya kami magkikita ni Sharmaine?
si Aira nandito na naman. every weekend na siya dito mag sstay. si Duduy kasi inoffer syempre inaccept agad un nung bata. tapos ung life story niya ang galing! haha. parang ung sa mga drama lang! haha. kasi 4 sila magkakapatid. ung kuya niya iba ung father then siya Japanese father niya then ung 2 kids iba din ung father un ung kasama nila ngayon. then ngayon na alam na nung stepfather na pupunta sila ng Japan gusto na magpakasal nung stepfather sa Mama niya. syempre nag hindi ung Mama niya. like duh, ang habol ng stepfather is money. jusko no-no na un noh! dati gusto daw nung Mama niya na magpakasal sila then ayaw ng stepfather sabay ngayon gusto na. haha. katangahan lang kung umoo siya. haha.
then inis na inis ako sa mga contestant na babae sa Willie of Fortune kasi nag papasweet sila kay Willie to earn extra money. yak kaya. nakakainis lang. tapos ito pa isa kong kinakainis, ung maid namin. wala lang, ayaw ko lang na ung kino-compare sa iba. tapos napaka-vocal niya. kung ano gusto niya sabihin sinasabi niya. then parang kino-compare niya ako sa ibang tao dyan. naa-appreciate ko naman ung clothes na mura pero not all of them. like may ituturo siya na clothes ee mukha naman pang-katulong. argh. tapos ayaw ko rin ung parang walang limitation sa pag-act. ung bang feeling niya magka-level kami. haha. ang sama ko pero buti nga hindi ako masyado naguutos sa kanya ee. then one time sabi niya sa pinsan ko napapagod daw siya magwork dito. haha. duh, ano ba siya? haha. kasi daw sa last na amo niya dalawa daw sila. ee 3,500 na nga sweldo niya ee. kairita argh. tapos ang hilig niya lumandi. haha. ung mga ka-txtmate ganun. tapos minsan ba naman sa sala siya nagbibihis, ewan ko para makita ng others ung katawan niya? tapos halata niyo? ung mga itsura ng mga maid parang parehas lang tapos malalaman mo na maid sila kasi kung pano sila manamit and face nila. haha :D
Tuesday, June 17, 2008 6:41 AM
i'm gonna be busy like forever :))
everything's okay na, ung studies ko and schedule. anytime ko gusto pumunta ng school okay lang. hindi naman pala kailangan every once a week ee. so I decided na twice a month na lang ako pupunta ng school. haha. or trice ng mas maging maayos. aun, alam ko naman na self study un. basta goodluck na lang sa akin. hehe. sana maintindihan ko lahat. tapos they offer me ng isang teacher na gagawa ng iba kong assignments. 300/quarter mura na un huh! pagaaralan ko na lang daw. mas gusto ko ung homestudy kasi made-divide ko ung exams ko, hindi masyado maghahalo-halo ung mga subjects. at least madami akong time para magaral. super thankful ako sa opportunity na ito! haha. kahit medyo mahirap GO GO GO SAYAKA! hahaha. baka mag visit ako ng Don Carlo sa General Assembly. grabe tuwing nag cha-chat kami ni Sharmaine lagi na lang mas tumitindi ang pagiging miss ko sa lahat ng ex-classmates ko. grabe super miss ko na ang St. Cecilia. swear :D tapos pupunta ulit kami dun sa Tuesday para kunin ung assignments ko for the entire quarter. madami siguro un pero kakayanin ko un! may trust ako sa sarili ko! haha. ang dami kong sinulat dun sa form, sumakit kamay ko! haha. tapos kukuha ako ng form 137 sa DCCS pero si Mama na tinatamad ako ee. haha! ang bait ko talaga noh at ang sipag ko ever! tapos may CAT din kami pero sabi wala daw ung actual na training! weee. super na safe ako dun! ayaw ko kasi nun ee. tapos wala akong Computer Subject, 9 lang lahat ng subjects ko. wala kaming class bukas kasi wala daw aircon. haha. what a reason. ee sabi wag na daw kami pumasok kasi wala daw aircon ee sa akin naman ok lang! hehe.
Saturday, June 14, 2008 11:34 PM
Happy Father's Day
yesterday went to Marikina for Baby Ralph's Baptismal. mga around 3 na ata kami dumating. 9 am pa lang gising na kami tapos sinamahan ko si Ate for her haircut then she bought clothes for the baptismal kasi ninang siya. its a swimming party pero hindi kami nagstay ng matagal kasi boring. hindi naman kami nagswimming din ee. ai oo hindi kami nakaabot sa church kasi late na kami. we ended up going sa reception na agad. haha. ang tagal kasi ni Mama then mga 6 pm umalis na si Mama para sa birthday celebration ni Tita Jen ung friend ni Mama. tapos ee naboring na kami so umuwi na lang kami ng mga 8 pm. nagkaayaan sila Ate and other Ate's to drink alcohol. ohh dun sa party I saw Ate Grace. wala lang, I wanna be like her kasi she's so intelligent. guess what, every graduation niya Valedictorian siya. wow diba and when she talks parang ang professional. haha. wala lang, medyo nakakailang. I really want to be just like her. sa utak nga lang. haha. minsan I was dreaming na sana maging matalino din ako. uhmm, I think matalino naman ako kulang lang sa sipag. haha. tapos all we did dun sa party ee maglaro nung mga gadgets namin. haha. super kaboring kasi sabay nakadress pa ako. nakakailang. nung nandun na ako sabi ko sana nag pants na lang ako. haha. then finally after 1 year nakita ko na si Ejay and Tintin. its been a long time noh. and I was like super miss them pero alam mo naman ako mahiyain kaya wala din. hindi ko sila nakausap tapos nung pauwi kami hindi man lang ako nakapagba-bye. argh. ang dami ko talagang regrets. kainis, sa school sa cousins. kahit kanino na lang. ano ba yan. tapos dapat pupunta si Paola pero hindi natuloy kasi hindi siya pinayagan ng Tita niya ee nagpaturo na pa man din kami kay Tintin. kainis talaga. haha. pipao "hindi pa ngayon ang time for you and him to meet" anyway, happy birthday Baby Ralph. ai tapos sabi pa sakin ni Ate Grace. si Jehan daw 3rd year college na ee kababata ko un ee playmates kami nung time na un tapos si Kevin 1st year college na. medyo sa sarili ko napa-OMG ako kasi naman ako magggraduate pa lang ng highschool. haha. tapos nung dati nagbi-visit kami sa house nila. akala ko Samar un. ung province ng lola ko sabay Cavite lang pala. ee kasi naman dati ung daan buhangin pa hindi pa lupa kaya akala ko province kaya sabi ko ang lapit naman. haha. haii naku bata pa talaga ako nun. at least I remember some of my past.
Aira will be staying here until Sunday, nung Friday pa siya dito. classmate ko siya sa Japanese Class ko. vacation daw ee. tapos aun nung una hindi naman kami ganun ka-close tapos ngayon were starting to bond na. close na kami. ohh huh! hai naku tinatamad na ako mag homestudy, wala kasi akong inspiration. haha. joke, anyway hindi ko nga alam kung kelan magsstart un ee. mahalaga naman sakin ung studies ko kaya go for it na lang. then si Sakura. I love her na. wala na ung dating impression ko sa kanya. ok na kami. close na nga kami ni Sakura ee sa text nga lang and chat. hindi kami naguusap sa school masyado. hehe. tapos na-share ko sa kanya na kahit na matanda na ako gusto ko pa rin pumunta ng Disneyland sa Japan. hahaha. kahit naman siya gusto niya rin ee. alam niyo dahil nagsimula na ung regular school ang konti na lang namin sa Japanese Class namin. minsan 7 na lang kami. aww, kaya nung Friday puro ako ung sumasagot dun sa teacher. haha. lalaki siya, medyo may itsura. haha. ai alam niyo ba kung mapapansin niyo ung mga Japanese pangit ung mga teeth nila kasi daw mahal daw sa Japan ang pagpapaayos. kahit ung models sa Magazine ng Japanese pangit din ngipin nila. maswerte ako at napaganda ng lola ko ang ngipin ko. haha. tapos hanggang ngayon hindi ko pa rin gets ung mga price dun. haha. hindi ko alam kung mahal o hindi. yay, oi gusto ko ng nori. meron dito nun pero pang sushi gusto ko ung mga maliliit. ai alam niyo ba kumakain ako ng EEL. haha. mahal kaya un dito. kaya nga kapag sa Japanese Resto kami kumakain un lang inoorder ko pero mas mahal ung Yakiniku dito. umaabot un ng thousand plus. tapos ang weird ng iba kong classmate. gusto nila ng sushi pero ayaw nila ng sashimi. haha. medyo parehas lang naman un ee. ung sushi may rice ung sashimi raw food lang without rice lang un ee. labo talaga nila.
Otoosan No Hi Omedeto!! - Happy Father's Day. ahaha. 5 years na ata kami hindi nagkikita ni Papa. buti na lang hindi ko pa nakakalimutan ung itsura niya tapos once lang kami magusap sa phone ni Papa kasi busy daw siya. aww. pero alam niyo hindi ko siya masyadong namimiss. hehe. hindi naman kasi kami masyadong close. nung nasa Japan kami lagi siya nandun sa work and paguuwi naman puro pahinga lang kaya wala masyadong bonding. pero maswerte pa rin ako na meron akong Papa diba :)) si Lolo ko sa Japan binati ko na. tumawag kami kanina to greet him. aun, sabi niya buti daw naalala namin siya. hehe. aww, I miss them especially okaasan my lola.
i super duper miss don carlo :))
Wednesday, June 11, 2008 6:26 AM
uhmm, i think i'm happy na wala akong pasok. ngayon lang, pag nag start na ung homestudy ko, ai ewan na lang. haha. mwf pa rin ako pumapasok sa Japanese Class. did i mention na sa Makati pa un? grabe, imagine every mwf pumupunta kami dun para doon. haha, kung kayo lang nasa kalagayan ko mapapagod din kayo pero masaya kasi malapit lang dun ung SM Makati, Greenbelt, Glorietta and Landmark. teka, love na love ko ang landmark. super love ♥♥♥ haha. tapos ngayon ko lang nalaman na may number rin pala ung Greenbelt. like Greenbelt 1 churva. haha. hindi naman ako taga doon kasi. hindi pa ako nakakapunta ng Rockwell :)) haha. anong meron dun? dapat hindi na ako mageenroll ee. si Ate masyado akong pinipilit, si Mama ayaw din ako pagaralin kasi daw sayang money wala naman daw mangyayari. ung lola ko na nasa CA namumulubi na sa amin, i think and i still love her. love na NOT because of money. tapos nung tuesday dapat pupunta ako nun sa DCCS pero hindi natuloy kasi pinalakad na lang ni Mama kay Teacher Giselle ung Good Moral ko kasi kung hindi 3 days pa un. special kami ee. haha :)) so we ended up sa supermarket after nag starbucks. gosh, first time ko mag starbucks sa SM. haha, ang lamig. tapos super love na love ko talaga ung Dulce de Leche (i suggest with coffee base) try niyo, masarap naman ee. tapos pansin namin ni Ate lahat ng starbucks super lamig. haha. diba diba?! ai meron akong photo nun nasa phone ko nga lang, nakakatamad mag upload konti pa lang photos nun ee tsaka iniingatan ko un, sensitive kasi. ERIKA ung ginamit ko na name. haha. un ung name ni Ate. ee kasi pag ung name ko laging mali. ginagawa nila na Saiaka or Saiyaka. haha. abnoy, meron ata akong isang tama sa Dairy Queen. i always use other names sa mga ganyan ee. tapos today i bought a sweater. haha. mainit naman bakit kaya un. ee na-cute-an lang ako tapos un na ung pinabili ko kay Mama. un ung pinakamahal sa lahat ng napili ko ee. tapos si Mama, she's planning na pa-bakasyonin ung isa kong classmate dito sa bahay from my japanese class. ee nahihiya ako tsaka ayaw ko talaga kasi hindi naman kami close. sila lang ni Mama and Mama niya ung close ee. argh whatever. uhmm, kahit na masaya ako na wala akong regular class namimiss ko pa rin ung don carlo :(( anyway, sasamahan ko si Mama bukas sa may Padre Paura(?) makikipagkita siya sa buyer ng lot sa Samar. yeheii, may money money na naman ako :D weeee. ai grabe naiirita na talaga ako dun sa maid namin. para bang hindi niya alam ung limitations niya tsaka super naiinis at naiirita lang talaga ako. ok this is enough, nagtitipid kami ng kuryente. haha! :)) ai alam niyo kung titignan niyo ung bills niyo madaming extra na binabayaran tayo. ung hindi kasama sa bill talaga natin :D si Ces Drillon, ung newscaster ng ABS nakidnapped?! aww, super nagulat ako dun. swear, tsk3. kinalmot na naman ako ni Garie sa mukha. dalawang scratch. kainis pero love ko pa rin siya :D haha. ai oo nga pala favorite ko na ung Clumsy. haha. wala lang medyo matagal na siya pero ngayon ko pa lang na download, lagi ko kasi nakakalimutan. updated na rin phone ko. haha. after 3 months. weeee. bye
Sunday, June 8, 2008 1:42 AM
masaya ang buhay na walang pasok :))
aww, nag start na ang classes sa school. gusto ko din pumasok. sana ung school may schedule din na katulad kay Ate. haha. si Ate super busy niya, grabe before and after ng Japanese Class namin meron siya class sa Perpetual. haha. super walang pahinga :D super namimiss ko na sila Carla and Sharmaine sabay wala pa akong update sa kanila, wala akong load. kainis, ang poor ko nanaman. magloload nga ako mamaya, nakakatamad naman kasi magtext tapos hindi na katulad ng before ung mga nag g-gm sakin. medyo bilang na lang. waaahh, gusto ko sana magvisit sa school pero nakakahiya tsaka natatakot ako. haha. nababaliw na talaga ako. waahh, tapos hindi rin ako makapag choice kung ise-sell ko ba talaga ung phone ko. haha, at hanggang ngayon wala pa rin bumibili ng phone ko. meron ako isang buyer nagiipon pa daw siya. haha. look, super bilis bumaba ng mga gadgets especially cellphones. for example N95 before 30,000 now 18,000 jusko ang laki ng binaba diba?! grabe, super. kaya si Ate inis na inis sa N95 niya kasi ang mura na lang tapos kung ibenta mo pa mga 15,000 na lang siguro. tapos ung phone ko 20,000 ko un binili then kinukuha sa town ng 8,000. haha, grabe un huh. tapos naisip namin ang mahal talaga ng offer namin sa iba :)) haha. pero may nauuto din naman ee.
anyway, last friday we went to Makati para magattend ng school tapos ako hindi na ako pumasok kasi iba naman schedule ko kina Ate and Mama tapos kami ni Ate and Kuya went to Greenhills. ee wala pa akong money nun, meron lang ako 1000. haha, tapos nag canvass na lang kami ng mga bibilhin. haha. gusto ko bumalik dun, ang dami kong gustong bilhin. nakakainis, ang mamahal ng bag. wala man lang 500 pababa. meron akong nakitang bag dun na abercombie ee ang cute, 900 ba naman. tapos ung mga lacoste fake na nga tig 1000 pa rin pero sabi ni Ate i-compare nga naman daw sa original diba. ok na lang :)) tapos we ended up buying Nintendo DS. haha, sayang naman ung pinunta namin dun. malaki din ung exchange ng money dun, nagpapalit kasi kami tapos si Mama naghappy-happy nanaman with her friends. 5 in the morning na siya umuwi. ui, ang cute kaya ng mga laro sa DS sabay nainggit si Kuya kasi sa PSP niya na 4 gig na un huh, 6 games lang nalalagay. gusto ko na bumili ng usb for my DS. baka pumunta kami ng Quiapo. haha, mura daw dun ee. may utang ako, 6000 haha. san naman ako makakaroon ng utang na ganun? haha. pero meron talaga akong utang na ganun kalaki :)) haha. nababaliw na ako. pano ko kaya babayaran un noh?! hmm, si Mama na bahala. haha, lagot na naman ako. hindi ko pa nga na-she-share sa kanya ung plans ko ee. dapat sa tamang timing. haha.
the other day maaga akong nagising and i don't know why. aaahh nung wednesday, dapat papasok kami ng school tapos tinamad na tapos naligo na ako ng super aga tapos nanood na lang ako ng tv, change to MTV napanood ko ung music video ng K.I.T.T.Y by Kitty Girls of course. haha. wala lang nakakaloka ung video nila. napanood niyo na ba un? ang panget na mabaduy. nandun talaga si Hello Kitty. haha. tapos watched Tyra Show, grabe noh? talagang malaki ung effect nung mga mom satin. kasi ung others gusto nila paglaki nila maging katulad sila nung mom nila sabay kinakahiya nung ibang mom ung katawan nila, ganun. tapos meron dun dahil pumayat ung anak of course may konting stretch mark sabi ba naman nung mom wag siya magsuot ng shorts or short skirt kasi disgusting daw. ee, whatever. i think ung ibang mom hindi talaga maganda ung effect and ginagawa nila sa mga daughter nila. like us ni Mama, ang dami namin differences. basta, hindi ko ma-explain ee.
oi oo nga pala, si Ejay Falcon ung winner ng Pinoy Big Brother. deserving naman siya na winner ee. i think, kasi tamo kailangan niya ng money hindi nga lang siya mukhang artistahin. hehe. akala ko nung una si Robi ung winner kasi madaming nag bo-vote sa kanya. dito sa bahay ang ingay nung silang dalawa na lang. haha. na-shock din ako nung nung si Ejay ung winner. nung una nalungkot ako nung si Nan ung na-evict kasi gusto ko siya kasama sa big 4 kasi alam kong kailangan niya ng money. aun, so parang baguhin na lang nila ung itsura tapos sabihan nila kung pano dapat siya magact na parang hindi siya taga dyan dyan lang. basta, ok na sakin na siya ung winner :D
Wednesday, June 4, 2008 4:45 AM
SENIORS :))
gusto ko din maging seniors. gusto ko din makipag-compete sa ibang batch at gusto ko din pumasok sa dccs bilang seniors. waaahh, super namimiss ko na ung school and classmates and batchmates and schoolmates and friends ko.
things that i'm gonna miss in DCCS :((
- super namimiss ko na si Sharmaine and Carla and :D
- ung catral sa moonwalk. haha. tagal ko ng hindi nakakavisit dun :P
- ung mga dalaw namin sa bahay ni Carla sa moonwalk na hanggang 7 kami nakakaabot
- ung kainan namin nila sa moonwalk and sa sm and town
- starbucks and yougurt ice cream
- tuwing fieldtrip ang dami kong baon na chips :D haha
- ung kulitan namin sa school
- ohh, ung stairs sa school na napakataas
- ung mga faces ng mga tao :))
- gusto ko rin mag prom ulit :P
- gusto ko din mag monopoly tuwing sportsfest
- second trip tuwing may exams
- wala na akong mapipikon na teacher :P haha, minsan lang naman ito ee
- wala ng teacher mylene :D haha, ang galing niya sa english. diba noh?! :)) haha
at kung ano ano pa
tapos nag chat kami ni Sharmaine kanina. sabi ko mag-enchanted na lang kami kaysa tagaytay. hindi ko kasi alam ung places sa tagaytay and ung transportation. sabay sabi niya next month na lang. haha. para daw makapagipon pa. pwede din pero naaatat na ako ee. tapos inasar ko siya, ininggit ko kasi alam ko na gusto niya pumunta sa Greenhills ee pupunta kami dun next week tapos ee diba may brothers burger dun. ang tagal niya na kasi gusto kumain nun ee ako naman nakakakain lang nun pag pumupunta ng greenhills then sabi ko meron dito sa alabang. ayaw ba naman maniwala tapos sinearch ko ung site nun. haha. nagutom bigla. ayaw niya kasi sumama sa amin sa greenhills. ayaw niya daw mag absent. haha, baliw. minsan nga lang siya makapunta dun ee. anyway, mag sha-hop till you drop ako dun. enjoy, excited na ako. wooot :))
Monday, June 2, 2008 5:50 AM
HAPPY FIRST ANNIVERSARY!
ohh haa. one year na ang blog ko. Happy Anniversary sa atin ♥♥♥
Dear Blog,
salamat sa iyong maayos na pagpopost ng mga entries ko dito at pasalamat tayo na may internet tayo. haha. maging maayos ka sana forever, amen.
Dear Bloggers and Visitors,
salamat sa inyo oras. lagi kayong nandyan para basahin ang aking mga entries at siguro naman may nalalaman naman kayo sa buhay ko, ano? keep on visiting and wag kalimutan, tag tag tag :))
Moody Monday. sorry naman pero sobrang naiinis ako kay Jennylyn. hindi ko alam kung namisunderstood ko siya or something. kasi naman nung Friday absent ako then I asked my teacher for extra paper tapos sabi ng teacher ko "gomen" sabi ko "its ok" arggh, sabi ba naman niya diba dapat "its alright" poocha naman ee, parehas lang un. mamaliin niya pa ako sabay may dumating na lalaki para magpicture sa amin ee sorry nagalak ako. tapos sabi niya tuwang-tuwa daw ako. i know, parang ang liit lang na whatever. kahit si ate ko sabi baka iba naman daw ung meaning niya nun pero wala lang naiinis lang ako sa kanya. pero friends pa rin kami. haha. si sakura, medyo close na kami sa chat and message sa friendster, hindi naman kami naguusap sa class ee. sabi niya "shy daw ako at childish T.T" haha. hindi ko naintindihan ung sa part na childish, nalilito ako pero i like her na. hindi ko na siya aawayin. ok na kami, ok na ako sa kanya. haha. whatever na nga lang.
FOR SALE K850i - 12,500 (negotiable)