Thursday, July 10, 2008 11:00 PM
Me, Ate Hani and Duduy went to Greenhills. Nung una akala namin malas kami :( kasi naman nung pagdating namin dun walang mga paninda. haha. Ganun pala un, nagpapalit palit ng pwesto. Wala talagang mga paninda nung pagdating namin, meron lang dun sa mga tindahan na parang room room. 2 kami dumating dun tapos nagikot ikot na lang muna then nung 6pm nagayos na ung mga cellphone and tiangge tapos namili na kami! Buti na lang nag wait kami sabi kasi nung guard bukas pa magbubukas kaya naisip namin na sa 168 na lang pumunta pero hindi din natuloy. Grabe ang dami ko pa rin gastusin, nakakainis. Next month magbabayad pa ako ng 1k kong utang kay Duduy tapos birthday ni Mama and Ate. Wala na naman akong mabibili nito for myself. 0 balance na nga ako ngayon ee. Meron pa akong 70pesos dun sa coin purse ko pero nawawala ung coin purse ko, hindi ko maalala kung san ko nalagay. tsk. May memory gap na rin ako :)) haha. Aun, I bought K880i Sony Ericsson pa rin. hehe. Hindi kasi marunong mag operate nun si Mama. hehe. Si Ate naman nangingialam, haii whatever. Ay nung before kami pumunta sa Greenhills pumunta kami dun sa may levi's and dockers na parang 50% lahat! haha. Nakakaaliw :D Like sa store 3000 isang pants doon 1500 lang. haha. Ewan ko kung bakit, hmm factory outlet ba un. Pero super araw naman ee, kainis din. Tapos sa may ViraMall nakita namin si Ronaldo Valdez. haha. "Ako ang nawawala mong apo, si Hannah!" haha. Hindi ko naman ginawa un pero parang gagawin ko na dapat. hehe. Nakakahiya naman. Napapa-tiratira tuloy ako! haha. And ung "I want to be with you for the rest of my life" aww, sana may magsabi sa akin niyan! KAWAII! Tapos ate sa Yoshinoya "hisashiburi.." Grabe simula ng nawala un sa SM hindi na ako nakakain dun ngayon na lang ulit. Nakakamiss din :D Tapos umulan wala kaming payong, goodluck naman sa amin. Tapos went to Krispy Kreme to buy a donut, syempre. haha. Tapos binigyan kami ng free donut bagong luto kasi :)) Ang cute cute talaga ng gawaan ng donut dun. haha. Naaliw ako, heck. Sa Greenhills and MOA lang kami nakakabili ng krispy kreme. Sa Makati meron din, dalawa pa nga ata ung franchise dun pero nadadaan namin pero nasa kabilang side kami. haha. Kaya hindi din nakakabili. Hindi ako pumasok sa Japanese Class ko ngayong whole week. hehe. May mga reasons naman un ee. 1st May sakit daw ako kaya hindi ako pumasok 2nd May sakit na si Mama, totoo yan pero pumasok siya hindi ako pumasok 3rd umulan kagabi sabi ni Mama wag na pumasok kasi may sakit pa rin siya. Ok last. Gusto ko lang mag Advertise. Kung mapunta man kayo sa Greenhills punta kayo sa ViraMall. Katabi ng foodcourt dun is
Hippo Bloo. Kami daw ang first customer that day, wala lang masarap sa pakiramdam ung may nag sasabi ng thank you sa iyo every second kasi bumili ka sakanila. "Hulog kami ng langit" haha. Ay ito ang maganda sa kanila Super Duper lambot ng flip flops na un, ang cute pa ng color and afford pa ng lahat! Only 500-600. Mas malambot siya sa Havaianas. Walang kasing lambot sa Havaianas. haha. Totoo yan, swear. I bought mine for 400 kasi may discount daw samin kasi kami daw buena mano. Color yellow ung strap then half green and pink. Ang cute kasi tri-color ung iba tapos super color combination pa! Gusto ko nga sana ung violet pero wala na akong size :(( Si Ate color Orang ung strap then half violet and pink. Ang cute super. Tumatalon na nga ako sa sobrang lambot ee. Totoong totoo yan. Gusto ko nga ma-bilhan sina Sharmaine and Carla para ma-feel nila ang lambot! haha. Parang kasing lambot ng Crocs pero masyadong mahal ang crocs :)) and aww, general assembly na ngayon. huhu. Hindi naman ako nakapunta. Anyway, ayaw ko din naman. hehe.
Sayaka: Ano sa english ang maarte?
Duduy:
SAYAKA! simpleng ganun lang ang answer.
Ay, oo nga pala si Sharmaine suki ng blog ko! haha. Masungit daw ako sabi nung isa :(( tss.