Thursday, August 14, 2008 12:37 AM
Tayabas, Quezon
On our way to Quezon sabi ni Ate Apple "parang magbabakasyon tayo huh?!" ee kasi naman ang lalaki ng mga bag namin tapos ang dami namin baon na foods. haha. 3 hours kami nagbiyahe, nakakapagod umupo sakit sa pwet! 2pm kami umalis dumating ng 5pm. Ang bilis din ng biyahe namin tapos may mga stop stop pa un. Ang daming coconut trees dun, ang lalaki pa man din! Tapos sabi ni Mama "oh yan na pala ung Mt. Fuji katabi ng Mt. Mayon!!" Laughtrip lang. ee nasa Japan kaya ung Mt. Fuji, amp. Mt. Banahaw pala ung nakita namin. A night before ung libing ni Ninang nandun na kami! Ang galing kasi province na province ung style niya! haha. Nakaka-enjoy ung trip na un pero parang hindi din pwedeng tawagin na trip kasi hindi naman siya trip. Pumunta kami dun para sa libing ni Ninang not to have fun pero I had fun! haha. Kasi ung bahay nila Ninang dun sa may bukid, amp. Ang lamok sobra, kamot dito kamot doon. Joke. Sila Ate Hani ba naman naginuman dun, heck. Sandali lang kami dun tapos pumunta na kami sa Hotel na pagstayan namin. ee jusko ang ine-expect ko ung mga sosyal na hotel, ung malalaki. Ung katulad ng mga Hotel dito sa Manila. ee ako naman, province nga naman what do you expect. Hayy naku duhh naman ako! ee madami kami, mga 8 ata kami. Ung kwarto namin parang sa ferry boat, puro deck. Pero cute naman tsaka may aircon naman kaya okayy na. Tapos ang colorful nung Hotel na un. Mi Casa ang name ng hotel, sa Mayor daw un ee. Meron akong konting pictures kasi naman pagdating namin dun straight to Bukid na tapos umuwi na agad. Ang gabi na nun to take pictures pa. Tapos nung umaga na, went to a carinderia na popular dun kasi ang mura and sarap ng pansit. Akala namin per order ee 5ophp ee 6php lang pala un. Ang mura diba. Province na province. sabi ko nga kay Mama dun na lang kami tumira, fresh pa ang air! haha. Goodluck naman sa amin. Ung wireless landline ni Mama walang signal dun pang Metro Manila lang pala dun. Tapos meron din dun SM Lucena, Quezon Town Center and Metro Quezon. Cutiie! Ang ganda nung pinaktop nung hotel kasi puro vintage ee, super cute! Sayang nga lang walang masyadong pictures pero babalik daw kami dun sa 40days ni Ninang, September 14 ata un. Grabe ang nakakapagod ang sakit ng paa ko. Tapos bumili kami ng madaming Cassava Cake. ee hindi naman talaga ako kumakain nun pero ngayon kumakain na ako pero isang slice nga lang kaya ko dati kagat lang ee. hehe. Tapos nung dadalhin na siya dun sa car pang funeral umiiyak na ung mga tao kasi naman ung mga kanta nakakalungkot talaga ee. Mass muna after nun nag-short speech si Cheche tapos dinala na siya sa Lovely Paradise Memorial Park tapos dun na nagluluha ung mga tao. Nakakaawa ung sa side ni Ninang kasi super iyak sila tapos si Ninong din umiiyak si Diane parang wala lang pero makikita mo naman sa kanya na malungkot siya ee. Ahh isa pa I super love there Calamares, super lambot and salty! haha. Gusto ko kaya mga salty pero kapag over na sinisipon ako ee. Sabi ni Mama masama daw un baka daw magkasakit ako sa bato! Ako naman puro tears lang sa mata hindi pumapatak, isang beses lang pero ung mukha ko parang awww :(( That's it siguro sa susunod na pagpunta namin dun madami ng pictures. Malapit na birthday ni Ate Hani. wee. Sa 18 na pupunta daw kami ng MOA tapos mag-bowling pero friends lang hindi kasama si Mama ata, ewan ko. Excited na ako, toink. haha. Wala pa nga ako gift kay Ate ee cash na lang kaya, amp. Wala naman kasi akong alam na gusto niya ee. May mga badget kasi ako sa mga gifts ko.