Wednesday, August 6, 2008 10:20 PM
Ninang Myrna's Gone
7am nagising ako para pakainin si Garfield ng breakfast tapos bumangon si Mama biglang nag ring ung phone niya. Grabe, nakakagulat lang ung mga pangyayari. Tita Ciel called my mom to say na patay na si Ninang Myrna. huhu. Si Mama she was crying the whole time. wawa naman. Dahil kami ung pinakamalapit na kamag anak ni Ninong Raul kami ung unang pumunta pero meron ng iba sa side ni Ninang Myrna. Si Ninang Myrna she had a colon cancer na super malala na. Grabe ung pinayat niya. Kung dati small siya pero may laman, ngayon buto't balat na lang. Nung nalaman ko un hindi pa ako naiyak sabay nung pag dating namin sa hospital saka ako umiyak kasi si Mama umiiyak. Sa may Casimiro ung hospital, Las Piñas Doctor Hospital(?) Kawawa si Diane, she's 10 years old ata. Sobrang bata pa. Tapos hindi siya ung super iyak kasi siguro bata pa ee pero hindi naman siya ung maingay. Si Ninang Myrna hinintay niya muna si Diane dumating sa hospital saka siya namatay, mga 6:30 pagkadating na pagkadating ni Diane. Kawawa talaga si Ninong Raul kasi pumupunta siya ng cr para umiyak dun. awww. Nung pag dating namin sa hospital hindi na namin naabutan ung body ni Ninang Myrna, dinala na daw siya sa morge(?) Sabi nila Mama ang pangit daw nung morge, parang maliit na room lang tapos walang frige and its open sabay wala pang aircon or electric fan. Mga naka 5 hours ata kaming stay sa hospital tapos 12pm umuwi muna kami with Tita Ciel and Ate Apple. Dumating na sila. Tapos nagpahinga muna kami kasi naman nung nasa hospital ung mata ko gusto ko pumikit. Mga 5pm pumunta na kami ng grocery para sa mga chips na kakainin nila sa funeral. Tapos hinintay namin sila Tita Tet, Isabella, Ejay and Kuya Jojo na dumating. Nood muna Happy Feet! hehe. Tapos dumating na ung sundo namin. Dalawang car kami, kumusta naman un! Pumunta na kami ng Manila Memorial Park / La Funeraria Paz. Aun, nakakatakot tumingin dun sa kabaong pero tumingin pa rin ako. Grabe ung nasa loob ng kabaong parang hindi na si Ninang Myrna. huhu. Ibang iba na ung itsura niya. Tapos mga 8pm meron naman ibang namatay na pinsan nila Tita Ciel. Grabe bigla bigla na lang namamatay ang lahat. Life is too short. Sa Tayabas, Quezon ang libing. Sabi ni Mama pupunta daw kami dun and it would be my first time dun. hehe. Bawal ang pictures daw ee. Pero pag dating sa Quezon magkakaroon ako ng souvenir pa rin! hehe. Sabi nila mamaya daw baka nasa likod ng picture si Ninang Myrna. Grabe ang daming tumatawag kay Mama tapos ung phone daw ni Ninong Raul nagaapoy na sa sobrang walang tigil na text! Umuwi na kami. Si Ejay ata nagpatugtog ng "That's What You Get" haha. Nakakatuwa kasi kahit si Isabella alam niya ung kanta na un! haha. Everyday daw kami pupunta dun ee. Kaya leave your message na lang dito or sa friendster ko!
2nd Day. I was able to sleep naman tsaka hindi naman ako ganun na super natatakot. hehe. Grabe akala ko wednesday pa lang ngayon ee thursday na pala. amp ang bilis ng araw. Aun, dumating si Sarah. Sumabay na siya sa akin tapos si Mama nagluto ng food para dalhin dun. Toink, ang dami namin dalang food parang kami ung taga serve ng food. amp. Bumili ako ng polvoron. wee. Pag dating namin dun madami ng flowers tapos ngayon lang dumami ung mga tao. Tapos tumingin kami ni Sarah kay Ninang Myrna ngayon ko lang nakita talaga ng malapitan. awww. Grabe ang daming pamahiin. amp yan. Akala ko ba bawal ang pictures? Pero nagpipicture sila. Talaga naman ohh. Excited na ako pumunta ng Quezon! hehe. Maganda daw ung hotel na pagstay namin ee. wee. Pero limited lang din ang pwedeng sumama. I mean gumastos na lang kayo ng sarili niyong money. ee basta. Wala ng libre libre ngayon noh! amp. Kailangan ko ng new white shirt para sa libing. Hindi pa sure kung kelan ung libing ee. Ang tagal pa ata kasi hihintayin pa ung isang kapatid ni Ninang from America. Ang dami namin pinag kwentuhan ni Sarah. About kay Pipao and Cousin tapos ung pagiging nursing niya at madami pang iba. Tinuruan niya ako nung mga pulse ee madami pala un. hehe. On our way to Las Piñas dumaan muna kami sa Loyola Memorial Park kasi dun naman ung isang pinsan nila Tita Ciel tapos umuwi na kami.
Last Day. Si Mama amp kasi naman nagpagupit siya na hindi ako kasama ee gusto ko na sana mag pa-maniped tapos iniwanan niya ako dito sa bahay! Daya niya. Mama, me, Ejay and Kuya Jojo went to the funeral na for the last lamay. Aun, kumusta naman ako. 8am gising na kasi hindi na ako makatulog ulit tapos hanggang 3am kami dun tapos may lakad pa kami ng 9am. Goodluck naman sa mata ko. Sobrang inaantok na ako nun. Tapos bago kami umuwi kumain muna kami sa Mcdo. ee first time ko kumain dun na madami kami ee mga 10 ata kami dun in one receipt(?) hehe. Long table kami! wee. After nun hinatid si Diane sa funeral tapos umuwi na kami. Sobrang kwentuhan na naman kami ni Racquel tapos si Buboy hindi na siya Buboy, David na siya! Gets?! haha. Ibang iba na itsura niya tapos napapagkamalan daw na Kuya si David ni Racquel! haha.