Wednesday, July 9, 2008 1:17 AM
Hindi na naman ako pumasok. haha. Nandun na ako ee sabay absent halos classmates ko ee edi wag na rin ako :)) So we went to Ayala na lang to eat lunch. Sa Pancake House kami kumain, naghahanap kami ng Japanese Resto sa Glorietta pero wala kami makita. Puro Italian foods, pasta, pizza and coffee shops. ee ayaw naman un ni Mama tapos umuwi na kami. Si Manong Taxi Driver na nasakyan namin pasaway. Nakakainis kasi naman medyo traffic sa may baba ng skyway ee nag-smoke ba naman, si Mama naman hindi pinigilan ang init tuloy tapos baho baho pa. Ay ewan, bahala siya.
Haii, Gusto ko talaga pumunta sa Friday sa Gen Assembly :'((
Itong Gossip Girl naman isa pang pasaway, ay etc pala. ee kasi naman hinintay hintay ko ung tuesday tapos replay lang ung ipapalabas. Last two episodes na nga lang ee binibitin pa ako. rawr naman. Namimiss ko na ung 168 and Landmark and him :) Alam niyo ba na napaka OA ko magreact! haha. Lagi na lang ako napapaisip ng mga dating ginagawa at nagawa ko sabay tatawa ako. haha. Baliw na talaga ako tapos bigla ko na lang papaluin ung kama. haha. Tapos lagi pag naliligo ako naalala ko ung mga things na nagawa ko dati tapos ang dami kong regrets, kainis tapos bigla na lang ako magbubuhos ng tubig sa sarili ko. haha. Para bang magising na nga ako :D haha. Pero hanggang ngayon nikikilig pa rin ako. Wala naman ako magagawa dun ee. I still love himmm. Haii, naiinggit naman ako kay Sharmaine. haha. Buti pa siya may lablife :D wwooott. Ang cute talaga nila Sharmaine :) haha. Tuwing nagkaka-chat kami ni Sharmaine lagi na lang ako naka-smile ganito ohh " :D " with teeth yan huh! hehe.