Wednesday, July 16, 2008 11:20 PM
C905 Picture Perfect. Yan ung comming soon ng Sony Ericsson. Grabe naa-addict ako sa phone na ito and I want to have it sa release niya! haha. Sa commercial sabi 5 mega pixel pero kapag sa net 8.1 mega pixel. Nabasa niyo un? 8.1 mega pixel! haha. Super duper 3-in-1 na siya. Grabe and laki ng mega pixel. haha. Nakakatuwa and nakakaaliw. hehe. Yikes super picture perfect talaga. Sa September or October ang release nito. Tsk, madami pa akong gusto bilhin. Kainis basta mapapasakin ka rin! bwahaha. Konting pa-sweet lang kay Mama nito! wwoooot. Can't wait :P
Gossip Girl. Tapos na ung season 1 nung tuesday? ee sabi dalawa pang episode ee. Un na ba lahat? ee 9 ata ung books ng GG, meron pa ba susunod nun? hehe. I love GG sus lahat naman ata tayo. Ok friends na ulit sila Chuck and Nate. Then nawala na si Georgina, I mean nahuli na siya ng parents niya. Pero ang sayang talaga ng relationship nila Serena and Dan. Well, wala naman ako magagawa about that. Grabe si Chuck akala ko love niya na talaga si Blair ung hindi na siya katulad ng dati na madaming girls pero hindi pa rin siya nagbabago talaga! tsk, ang bad ni Chuck. So parang ang nangyari ee si S and N then V and D. Nagkapalit palit ng partners. haha. Si Jenny ang cute nakuha siya sa Mammi ni Blair :D
Na-realize ko na sana na nagenroll muna ako ngayong school year then next year na lang ako nag study ng Japanese. Nakakainis, hindi ko agad naisip un. haha. Gusto ko mabalik ung time ulit. Pwede ba?! :( See two weeks na ako absent because of nothing :D haha. Umuulan kasi. hehe. Tapos ayaw ako papasukin ni Mama magisa kasi daw delikado. hmp. Ang dali lang naman ee tska ang tanda tanda ko na! haha. Si Tita Jaye tumawag kay Mama kaninang umaga. Advance call na daw para sa birthday ni Mama, papadalhan daw siya ng pang bp! haha. She's staying at Alaska. Tapos si Monica ung anak niya SEE 18 na kasi siya so dapat daw independent na kahit ayaw pa. Ugh. Whatever, gusto ko na kumuha ng driver's license anong age ba dapat? Ang daya daya ni Mama, walang tiwala sa akin :((
haha. Ang tagal ng walang update ung free layouts ko. Ang dami ko kayang background pictures na hindi niyo pa nakikita! haha. I mean hindi common ba, may source kasi ako at yan ang nangyayari sa mga katulad ko na laging nasa harap ng computer. Search ng search. Tapos naiinis pa ako kasi wala akong makitang magandang blogskin. Ilang araw na ako naghahanap at nagpapalit. Kung marunong lang ba ako mag edit ng photo and mag blogskin sus. Gusto ko din ng glasses for my eyes kasi natatakot ako na baka lumabo ung mata ko kasi naman wala akong ginagawa kundi mag computer, manood ng tv and maglaro tapos cellphone. haha. Ewan ko kung hindi pa masira mata ko nito. ee ayaw ko naman magsalamin forever or contacts. Walang pahinga ang mata ko! haha. Si Garfield pinaliguan na naman namin tapos after nun super ang init niya. aww. Yan ang nangyayari sa matitigas na ulo! haha. ee kasi naman lumabas siya ng bahay yesterday tapos nakipagaway sa kapwa niya pusa. edi ang dumi niya tapos ang baho pa edi hindi siya nakatulog sa kwarto. haha. Nakakaawa siya kasi inaabangan niya kung sino ung lalabas sa kwarto tapos gusto niya pumasok ee hindi nga pwede, kaya pinaliguan namin! Ang bango niya na! haha.